Huling El Bimbo - Eraserheads

Ang Huling El Bimbo ay isa sa kaunting mga awit ng Eraserheads na alam ko. Madalas kong naririnig ang kanta na ito, lalo na sa klase (Ito ay isa sa aming mga paboritong kanta). Simple ang kanta at madaling maunawaan gamit ang Pormalismong pagsusuri.

Superman ang Misis Ko - Abdon M. Balde Jr.

Para sa aking sulat, napili ko ang kwentong “Superman ang Misis Ko” ni Abdon M. Balde Jr. Sa pamagat pa lamang ay naiisip ko na ang mangingibabaw na uri ng pagsusuri ng akda. Para sa akin, magandang gamitin ang Femenismo sa pagsusuri nito.

Tindahan ni Aling Nena - Eraserheads

Ang aking napili kong akda ay isang kanta ng Eraserheads na “Tindahan ni Aling Nena.” Sa simula ng kantang ito, mayroong isang lalaki na pumunta sa tindahan. Habang bumibili siya ng suka, may nakita siyang magandang dalaga sa loob ng tindahan ni aling Nena. Noong nakita niya siya, parang naranasan niya ang “love at first sight” na pakiramdam dahil ang sinabi sa kanta ay hindi lamang ang suka ang nahulog mula sa kanyang kamay ngunit ang kanyang puso rin. Nang narinig ang paghulog ng suka ni aling Nena, napasigaw siya at ang lalaki pagkatapos. Nakita rin ito ng dalaga at napatawa siya. Nagpatawad ang lalaki at umuwi pagkatapos. Binagalitan daw siya ng nanay niya ngunit wala siyang pake dahil sa dalagang na minamahal niya.

Girlfriend - Patalastas ng McDo

Ito ay ang patalastas ng McDonald’s sa Pilipinas na ipinamagatang “Girlfriend.” Sa patalastas na ito mayroong dalawang bata, isang lalaki at isang babae. Sa sitwasyong ito, nasa palaruan ang mga bata at makikita sa likuran ang logo ng McDo. Mayroong gusto ang batang babae sa batang lalake, kaya tinatanong ng batang babae sa batang lalake na “girlfriend mo na ba ako?” Ngunit ayaw pa ng batang lalaki at sinasabi ng batang lalaki na “Hindi pa ako ready, eh. Demanding ang mga girlfriend.” Sinasabi ng batang lalake na marami daw ang gusto ang mga babae at tuluyang nalito, dito ipinapakita ang esteriotipo ng mga babae bilang demanding sa mga lalaki at lalo na pag mayroong relasyon bilang boyfriend at girlfriend. 

Magasin - Eraserheads

Ang Magasin ay isa sa marami kong paboritong kanta mula sa Eraserheads. Ito ay tungkol sa isang lalaking nakita ang dati niyang kasintahan sa isang magasin at nagulat sa laki ng binago ng babae. Ngayo’y ito’y nagsisisi dahil hindi niya siya pinanindigan at nasayang ang pagkakataon. Sa kaniya na sana ang magandang babaeng ito at parte ng isang maginhawa at magandang buhay ngunit ngayon, kapos siya sa pera kahit mabili lang ang magasin. Ngunit mukang may iba pang sikretong tinatago ang magasin na ito.

Ligaya - Eraserheads

Ang kantang “Ligaya” ng Eraserheads ay isang paborito ng mga Pilipino noon at ngayon. Kahit mahigit sampung dekada’y nakalipas pa, ang kantang ito’y hindi pa nalilimot ng kabataang lalaki ngayon, baka’y dahil sa hindi lumalaos na paksa ng pag-ibig. Kahit sino mang Pilipino’y masasabi na ang kantang ito’y tunkol sa isang lalaking nagliligaw sa babae at sa kanyang nais na gawin ang lahat upang makamit niya ang babaeng kanyang minamahal. Tama nga naman ang interpretasyon na yan ngunit, mayroon pa bang ibang interpretsayon dito? Paano naman ang posibleng interpretasyon ng isang babae, isang femenista dito? Halika’t magbasa, at makikita niyo ang interpretasyon ng kantang ito sa paraang Feminismo.

Overdrive - Eraserheads

Ang kantang “Overdrive” ay isang komposisyon na tinugtog ng bandang Eraserheads para sa album na Cutterpillow. Isinulat ni Ely Buendia, kasapi ng nasabing grupo, ang kantang ito noong taong 1995. 

Upuan - Gloc9

Ang mga kanta ni Gloc 9 ay nakikiramay sa kalagayan ng mahihirap sa bansang ito. Dahil galing siya sa kahirapan, naiintindihan niya ang mga paghihirap na dinadanas ng naghihirap ngayon. Sa maraming pagkakataon, ang kanta niya ay nagsisilbing boses ng masa na pilit iparating ang kanilang mga paghihirap sa mga politikong makatutulong, ngunit kadasala’y hindi sila pinapansin.