Superman ang Misis Ko - Abdon M. Balde Jr.

Para sa aking sulat, napili ko ang kwentong “Superman ang Misis Ko” ni Abdon M. Balde Jr. Sa pamagat pa lamang ay naiisip ko na ang mangingibabaw na uri ng pagsusuri ng akda. Para sa akin, magandang gamitin ang Femenismo sa pagsusuri nito.

Sa simula ng kuwento, makikita sa diskripsyon ng lalaki ang mga katangiang panlalaki ng kanyang minamahal na babae. Magaspang daw ang mga daliri at pinaglaba't pinagsisibak ng panggatong ng magulang. Dahil dito, napagkamalan pa siyang tibo ng kangyang lalaki. At ang simpleng aksyon ng kunwaring pagsasapak sa dibdib ay hindi masasabing karaniwang gawain ng isang babae. Ngunit lumabas din kahit papano ang kanyang katangian pambabae ng sinabing siya'y napakaganda at napakabait. Dito ako naniwala na babae ang pinaguusapan.

Ngunit, marami pang katangian panlalaki ang ginagawa ng babae sa kwento. Siya ang umuutos at nagdadala ng pagkain sa mesa. Siya pa ang nag-aalalay sa kanyang lalaki habang tumatawid ng kalsada. Tapos nung ikasal sila, yung babae pa yung nag-karga paakyat ng kanilang apartment sa pangatlong palapag. Imba! Hindi lang yun! Sa kanya pa daw napupunta ang mabibigat na gawain. Yung babae ang nagkakabit ng antenna ng TV, nagkukumpone ng kisame at nagpapalit ng screen. Habang yung lalaki taga-luto lamang ng pagkain. Nang mag-kasunog pa sa kanilang apartment, hinimatay ang lalaki at yung babae pa yung nagligtas sa lalaki.

Grabe itong babae na ito! Swerteng-swerte naman yung lalaki sa kanyang babae. Bihira makahanap ng babaeng ganun. Natutuwa ako dahil sobrang isinusulong ang Feminismo sa kwentng ito. Naipapakita sa kwento, na kaya din gawin ng mga babae ang mga gawaing lalaki. Ngunit medyo nakakaasar kung paano pinamukhang sobrang mahina ang lalaki sa kuwento. Pero okay lang, nagagandahan pa rin ako sa kuwento. Masasabi ko lang na swerte yung lalaki sa kanyang babae. At naniniwala ako na ang mga babae ay kasing galing at lakas ng mga lalaki. Kahit na hindi kasing laki ang kanilang mga katawan tulad ng mga lalaki, kayang-kaya din nila gawin ang mga ginagawa natin.


Renzo Ramos
F2012 

No comments:

Post a Comment