Girlfriend - Patalastas ng McDo

Ito ay ang patalastas ng McDonald’s sa Pilipinas na ipinamagatang “Girlfriend.” Sa patalastas na ito mayroong dalawang bata, isang lalaki at isang babae. Sa sitwasyong ito, nasa palaruan ang mga bata at makikita sa likuran ang logo ng McDo. Mayroong gusto ang batang babae sa batang lalake, kaya tinatanong ng batang babae sa batang lalake na “girlfriend mo na ba ako?” Ngunit ayaw pa ng batang lalaki at sinasabi ng batang lalaki na “Hindi pa ako ready, eh. Demanding ang mga girlfriend.” Sinasabi ng batang lalake na marami daw ang gusto ang mga babae at tuluyang nalito, dito ipinapakita ang esteriotipo ng mga babae bilang demanding sa mga lalaki at lalo na pag mayroong relasyon bilang boyfriend at girlfriend. 

Sa Feminismong pagsusuri, inakala ng batang lalake na lahat ng mga babae, bata man o matanda na, ay “demanding” at marami ang gusto. Ngunit noong sinabi ng batang babae na ang kanyang munting nais ay ang “McDo fries.” Pagkatapos sinabi iyon ng batang babae agad-agad nagbuo ng desisyon ang batang lalaki, una tinanong niya ang batang babae ng “Talaga?” at dahil kaya naman ng batang lalaki sa hiling ng batang babae, nakabili siya ng Mcdo French fries. Kaya naman sa dulo ng patalastas nakikita ang mga batang hawak hawak ang kamay. Kaya nalaman ng batang lalaki na hindi lahat ng mga babae ay demanding at gusto ang lahat, at ipinakita na ang batang babae na kausap niya ay simple lamang.

Riel Sucgang
F2012 

No comments:

Post a Comment