Upuan - Gloc9

Ang mga kanta ni Gloc 9 ay nakikiramay sa kalagayan ng mahihirap sa bansang ito. Dahil galing siya sa kahirapan, naiintindihan niya ang mga paghihirap na dinadanas ng naghihirap ngayon. Sa maraming pagkakataon, ang kanta niya ay nagsisilbing boses ng masa na pilit iparating ang kanilang mga paghihirap sa mga politikong makatutulong, ngunit kadasala’y hindi sila pinapansin.

Ang kanta ay deretso sa kaniyang punto- ito ay nakikiusap sa mga “taong nakaupo” na mulatin ang kanilang mga mata at lisapin ang naghihirap na mga tao sa labas ng kanilang mga komportableng tahanan. Tumutukoy sa taong mayayaman at mga politiko ang kanta. Binabahagi ng kanta ang sitwasyon ng mga taong ito, at inihahambing ito sa mga naghihirap na kanilang dapat na sineserbisyuhan.

Ang upuan ay sumisimbulo ng mataas na posisyon, at pinararating ng kanta sa pamamagitan ng simbulong ito na mayroong hindi tamang nangyayari sa bansang ito at dapat ito bigyan ng remedyo. Masiyadong maraming naghihirap, at kakaunti lang ang mayaman. Inaabuso pa ng mayaman ang mahihirap.

Binanggit din ng kanta na, “ Wag ka masiyadong halata.” Pinararating nito ang sarkastikong pananaw ng sumulat ng kanta na kung gagawa man ng kababalaghan ang mga lider kontra sa ikabubuti ng taumbayan, ay wag itong magpahalata sa gagawin niya. Sinasabi nito na likas na sa mga politiko ang pandaraya, at alam ng taumbayan na mayroong pandaraya’t pangungurakot na nangyayari, ngunit wala silang magawa ukol dito. Ang kanta ay nagsisilbing pananaw at boses ng masa ukol sa mga reklamo nila sa institusyon ng Pilipinas. Sa pamamaraan ng kantang ito, sinisikap na mulatin ni Gloc 9 ang mga mata ng mga politiko, kahit sinabi niya na, “ Kahit sa dami ng pera niyo, walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo.” Sa pamamamigan ng kantang ito, umaasa siyang luminaw ang mga mata nila.

Kapansin-pansin din ang babaeng nakatakip ang mata habang kumakanta. Sa aking pagkaintindi, pinakikita nito na walang boses ang masa; kanilang mga hinagpis, paghihirap, at daing ay hindi pinapansin ng mga taong may nakaupo sa upuan.

Sa bandang huli ng bidyo pinakikita ang pagtanggal ng barong ng mayaman at mamahaling damit ng babae. Sa pagpalit nila ng damit ng mahirap pinakikita ang isa pang layunin ng bidyo na pabaliktarin ang sitwasyon at lipunan ng Pilipinas. Ito ay sang-ayon sa ideolohiyang Marxismo sapagkat ang paniniwala ni Marx ay dapat lahat ay pantay-pantay sa lipunan; walang mayaman, walang mahirap, lahat ay pantay- pantay na nagsisikap para sa ikabubuti ng bayan at lipunan.

Geyb Velasquez
F2012

1 comment: