Ligaya - Eraserheads

Ang kantang “Ligaya” ng Eraserheads ay isang paborito ng mga Pilipino noon at ngayon. Kahit mahigit sampung dekada’y nakalipas pa, ang kantang ito’y hindi pa nalilimot ng kabataang lalaki ngayon, baka’y dahil sa hindi lumalaos na paksa ng pag-ibig. Kahit sino mang Pilipino’y masasabi na ang kantang ito’y tunkol sa isang lalaking nagliligaw sa babae at sa kanyang nais na gawin ang lahat upang makamit niya ang babaeng kanyang minamahal. Tama nga naman ang interpretasyon na yan ngunit, mayroon pa bang ibang interpretsayon dito? Paano naman ang posibleng interpretasyon ng isang babae, isang femenista dito? Halika’t magbasa, at makikita niyo ang interpretasyon ng kantang ito sa paraang Feminismo.

Kung susuriin ang kantang ito ng mabuti, makikita natin na malakas manligaw ang lalaking nasa kanta. Sa pananaw ng isang feminista, maaring masamang bagay iyan dahil sa hindi niya binibigay ng pagkakataon ang babae upang pumili ang taong para sa kanya. Makikita natin dito na halos puwinipuwersa na niya siya’y maging sinta niya. Mahalaga sa mga feminista ang kanilang kalayaan sa pagpili, at ipinapakita ng kantang ito na hindi sila binibigay ng kalayaan upang pumili kung sino ang gusto nila.

Isa pang punto na nakikita natin, base sa linyang - 
“Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo,
Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko,”
- maaaring sinasabi ng lalake na hindi kaya ng babae gumawa ng kayang sariling tesis. Sa unang tingin, mukha siyang mababaw na pambili sa isang babae gamit ng tesis niya, ngunit ang makukuha natin dito ay ang pagtingin ng mababaw sa mga babae. Maaring interpretasyon sa linyang ito’y hindi kaya ng babae na gumawa ng kanyang kailangang gawin. Isa sa mga pinahahalagaan ng mga babae ay ang ekwalidad. Dahil, kahit sa unang panahon pa lamang ay lamang na ang mga lalake, guisto nilang siraan ang mababang tingin sa kanila.

Ang Feminismo ay isa lamang sa madaming paraan sa pagsuri ng akda na ito. Kahit puro masama ang mga lumabas noong binasa natin ang kantang ito sa Feminismong paraan, ang pinakamahalagang bagay ay alamin ang mensaheng makukuha dito at respetuhin ang mensahe. Ngayo’y alam na natin ang mga maaring iniisip ng mga babae, mas marerespeto at ipagpapahalaga natin ang mga babae.

Carlo Pascual
F2012 

No comments:

Post a Comment