Huling El Bimbo - Eraserheads

Ang Huling El Bimbo ay isa sa kaunting mga awit ng Eraserheads na alam ko. Madalas kong naririnig ang kanta na ito, lalo na sa klase (Ito ay isa sa aming mga paboritong kanta). Simple ang kanta at madaling maunawaan gamit ang Pormalismong pagsusuri.

Ang "music video" ng kanta na ito ay halos eksaktong naka-ugnay sa mga liriko ng kanta. Sa "music video," ang bawat linya mula sa kanta ay pinakita sa isang eksena.

Ang batang lalaki sa kanta ay direktang kinakausap ang isang batang babae sa pamamagitan ng kanta. Sa unang linya, ang sabi ng batang lalaki -
"Kamukha mo si Paraluman
Noong tayo ay bata pa. "
Si Paraluman ay isang maganda artista noong 1940's, at nang sinabi ng lalaki ang linyang ito, sinasabi niya lang kung gaano kaganda ang babae.

Sinasabi ng batang lalaki kung gaano kahusay ang pagsayaw ng babae, kahit ano man ang sayaw, ngunit ang kanyang paboritong ay kapag siya'y sumasayaw ng El Bimbo. Medyo umiikot ang buong kanta sa interes ng babae sa pagsayaw. Sa koro, ipinapaliwanag ng batang lalaki na pagkatapos ng eskuwelahan, kaagad siyang pumupunta sa bahay ng babae, kasama ang kaniyang mga kaibigan, upang matutong sumayaw, at sa mga simpleng sandali kagaya nito, natutunan rin ng batang lalaki kung paanong buksan ang kanyang puso at umibig sa ibang tao. Ipinaliwanag din niya na kapag nakita niya na sumasayaw ang batang babae, may nararamdaman siyang kaligayahan na hindi mapaliwanag, ngunit may mga panghihinayang din siya dahil hindi rin niya nasabi sa babae kung ano ang totoong nararamdaman niya.

Nangyari na hindi sila nagkita ng matagal na panahon; mga taon, ngunit may narinig na mga balita ang lalaki tungkol sa babae. Narinig niya na may anak na yung babae, ngunit wala pa siyang asawa, at naninilbi siya at namumuhay bilang isang tagahugas ng pinggan lang sa Ermita, Maynila.

Dumating ang isang gabi, at naging biktima ng isang aksidente ang babae. Nalaman ng lalaki na nasagasaan yung babae.

At biglang nawala ang lahat ng kanyang pangarap. Ang taong minahal niya noong bata pa sila ay namatay na, at walang magagawa yung lalaki. Napagtanto niya na ang tanging lugar na maaaring niyang makasama ang kaniyang minamahal at magsayaw ng Boogie, o kaya Cha Cha, o kaya El Bimbo, ay sa kaniyang panaginip na lang.

AJ Estacion
F2012

No comments:

Post a Comment