Tindahan ni Aling Nena - Eraserheads

Ang aking napili kong akda ay isang kanta ng Eraserheads na “Tindahan ni Aling Nena.” Sa simula ng kantang ito, mayroong isang lalaki na pumunta sa tindahan. Habang bumibili siya ng suka, may nakita siyang magandang dalaga sa loob ng tindahan ni aling Nena. Noong nakita niya siya, parang naranasan niya ang “love at first sight” na pakiramdam dahil ang sinabi sa kanta ay hindi lamang ang suka ang nahulog mula sa kanyang kamay ngunit ang kanyang puso rin. Nang narinig ang paghulog ng suka ni aling Nena, napasigaw siya at ang lalaki pagkatapos. Nakita rin ito ng dalaga at napatawa siya. Nagpatawad ang lalaki at umuwi pagkatapos. Binagalitan daw siya ng nanay niya ngunit wala siyang pake dahil sa dalagang na minamahal niya.

Sa chorus naman ay sinasabi ng lalaki na mamurahin ang mga tinitinda sa tindahan ngunit ang nais niyang mabili ay hindi nagagamit ang pera.

Sa sumunod na saknong, bumalik nanaman siya sa tindahan para makilala ang dalaga. Pero ang sabi ni aling Nena na huwag na raw kasi pupunta ang kanyang anak sa Canada. Pagkatapos ng tatlong araw daw ay aalis na siya, sabi ni aling Nena. Sabi ng lalaki –
 “Tatlong araw na lang ay babye na.”
Sa sobrang gustong makilala nung lalaki yung dalaga, hindi niya mapigil ang dadamin niyang makilala ang babae. Nagmakaawa raw ang lalaki kay aling Nena. Sinabi ni aling Nena na kung ipapakilala niya sa lalaki ang kanyang anak, dapat araw-araw ay bumili siya ng kahit isang bagay mula sa tindahan niya. Pumayag naman ang lalaki sa usapan nila.  Noong pinakilala niya siya sa dalaga at iniwan na silang dalawa, iniwan siya ng babae at nagmukha siyang nakatanga.

Sa huli ng kanta, balik nang balik ang lalaki sa tindahan dahil yun nga ang kanilang pinag-usapan ni aling Nena. Doon daw nauubos ang pera niya at araw-araw ay naghihintay sa dalagang anak ni aling Nena. Pagkatops ang sinabi ng lalaki ay –
 “O Aling Nena, please naman maawa ka-ahh. Alam nyo'ng nangyari?”
At dito natapos ang kanta. 

Gian Sibayan
F2012

No comments:

Post a Comment